Friday, February 18, 2011

Ano nga ba ang Matematika?

Higit kumulang labing-dalawang taon na rin pala akong nag-aaral sa paaralan. Kahit matagal na'y bumabalik pa rin ang mga alaala ng kahapon. Mga alaalang naghahatid ng tuwa't pagka-'miss' sa lahat ng aking mga kagaguhan sa eskuwela at higit sa lahat, hindi mawawala o nawawala ang mga mapapait kong ala-ala sa aking pag-aaral. 

Numero uno na rito ang Matematika. Bobo ako sa Math. Period. Hindi ko naman ibinababa ang aking sarili ngunit sa tingin ko, ito ang katotohanan. Bobo ako sa Math.
Yung tipong kapag nag-lecture na ang guro namin at nagsulat na ng kung anu-anong equations, formula ek-ek sa pisara ay wala akong nakikita kung hindi puro numero. Natural kapag nagtanong naman ako sa kung sinuman ay ipapaliwanag nila na dapat pala reciprocal ang square root ng blah, blah, pero wala naman talaga akong naiintindihan! Naaawa ako sa mga taong ito sapagkat nasasayang lang ang hangin nila sa kakapaliwanag sa isang batang mabagal umintindi ng mga numero. 

Naalala ko pa nga na noong bata pa ako'y nanaginip akong hinahabol ako ng mga numerong may malalaking **** (private part) at nais nila akong 'anakan' nang walang malinaw o lohikal na rason. 
Napaka-bobo naman ng panaginit nito at ang nakaka-distorbo pa rito ay mga sampung taong gulang pa lamang ako nang mapaniginipan ko itong tangkang kahalayan sa akin ng Matematika.

Balik tayo sa kuwento, bobo ako sa Math. Period. Sadyang kapag pinuno mo ang blackboard ng mga formulas at equations, ang tingin ko sa kanila'y mga sulat ng chalk na may korteng '1' o kaya'y '99' at hindi ko alam kung bakit mga 'drawings and letterings' lamang sila sa pananaw ko. Sadyang iba ang repertoire o pag-intindi ko sa Matematika, hindi 'pagbibilang ng 1 to 100' ang approach ko kung hindi iniintindi ko kung bakit numero ang numerong '1' at kung sino nga ba ang nagtakda na 'one' ang spelling at tawag dito. Sadyang may sayad ako sa utak. Pramis. Paminsan nga kinakausap ko ang sari...

Bumalik tayo sa kuwento.

Alam niyo, hindi ko naman talaga binababa ang aking sarili kapag sinasabi kong 'bobo' ako sa math.
Sapagkat, ito naman talaga ang tingin ng ibang tao sa mga hindi magaling sa Matematika. 
Tayo, ang mga tao sa mundong ibabaw, ang nagtatakda na 

" Heto ang numero '1'. Susunod siya sa '0'".

Gamit ang mga nasabi ko nang detalye, ang matematika ay likha lamang ng tao upang may atupagin tayo at palabasing umuunlad nga ang sibilisasyong homo sapiens. 
Natural, ang tao na rin ang nagtakda na kung 'di ka magaling sa isang bagay ay 'bobo' ka rito. 
Simple lamang. 
Ang hirap isiksik sa blog ko ang utak ko. 
So, kung ang itinakda pala ng tao na ang lahat ng hindi magagaling sa Matematika 
ay mga 'dakilang henyo', matatawag mo pa kaya akong 'bobo' sa ngayon? 
Status Quo lang 'yan pre.
Sinimulan ng isa, papasikatin ng pangalawa, gagayahin ng milyon-milyon na tipong ito na ang tama sapagkat milyon silang naniniwala rito pero sa katotohanan, sinimulan lamang ito ng isa, pinasikat ng pangalawa at ginaya ng milyon upang masabing ito ang 'uso', and hindi sumunod dito ay tatawaging 'jologs'

Para sa akin, ganito rin sa Matematika.
So, bobo nga ba ako?
O kaya'y sila lamang ang nagsabing 'bobo' ako?
Simple, iba ang pagkakaintindi ko sa Matematika kung kaya't 
hindi ako matatawag na 'bobo' sa asignaturang ito.
Matatawag mo lamang akong bobo kung hindi ko
man lang nakitang mga ''drawings and letterings'' ang mga numerong ito
at kung wala kang nababasa ngayon na post patungkol sa pag-intindi ko sa Matematika.

Ikaw,
Para sa iyo, ano ang Matematika?



Ihain na natin ang tanong sa blog kong ito, ano nga ba ang Matematika para sa iyo?

Wednesday, February 16, 2011

Close-minded Freaks

     Nakaranas ka na ba na ikaw ang tama pero lumalabas na mali?
     Iyong tipong, "Hon, late ka na naman
Medyo personal ang post kong ito, kung kaya't 'iyong mga close minded na tao, lumayas na kayo. Oo, may hinanakit talaga ako sa mga taong sarado ang isipan AKA 'Close-minded freaks'. Dati na talaga akong nabibwiset sa mga taong ganito ang takbo ng utak. Hindi ko namang pinalalabas na masasamang tao ang mga ito sapagkat hindi naman sigurong tamang basehan o sukatan ito sa pagkatao. Sa katotohanan nga ay karamihan ng mga kaibigan ko ay close-minded, ngunit taeng-tae na talaga ako magsulat patungkol dito (Hindi ko rin alam kung bakit ko sila naging kaibigan ROFL).





close-mind·ed (klsmndd, klz-) or closed-mind·ed (klzd-)
adj.
Intolerant of the beliefs and opinions of others; stubbornly unreceptive to new ideas. 

In short, sila iyong mga taong nakasalaksak ang mga hintuturo sa tainga sapagkat ayaw nilang tanggapin ang mga kaisipan at ideya ng ibang mga tao. Taeng-tae rin silang patunayan sa buong mundo na kung anuman ang laman ng utak nila, ito na na dapat ang maging basehan o kaya'y standard ng lahat. 

      Naniniwala naman ako na lahat ng tao ay may karapatan sa sarili niyang paniniwala. Iyong iba pa nga ay humahantong pa sa hukay maipaglaban lamang ang paniniwala. Ngunit, sadyang may mga taong walang  pakialam sa iniisip mo o kaya'y mga paliwanag mo. Basta siya lagi ang tama. Basehan siya ng lahat ng paniniwala. Sa tuwing sasabihin mo ang mga gusto mong sabihin o ang pananaw mo ukol sa isang isyu ay tagos tainga sa tainga lamang ang mga salita mo at given na nga na ganito ang kanilang pag-iisip, napakahirap talagang magkuwento sa mga taong ito. 

"Sa tingin ko, nauna ang itlog sa manok."
"Hindi kaya. Paano magkaka-itlog kung walang manok?"
"Eh, kasi naman yung itlog ay..."
"Manok nauna."
"Patapusin mo naman ak..."
"Manok nga."

"Bwiset. close-minded freak"

     Marahil ay hindi naman topak o kaya'y sakit sa pag-iisip ang pagiging close minded pero malapit na rin siguro ito sa mga iyon. Bakit ko nasabi iyon? Sapagkat ang ganitong uri ng pag-iisip ay isang epidemya kung saan unti-unting ang utak at pag-iisip ng tao. Paano mangyayari iyon? Simple lamang. Ang utak ay ginawa upang magamit at linangin natin. Ano pa nga ba ang silbi ng utak kung ayaw mo nang matuto? Kung ayaw mo nang tumanggap ng ideya at opinyon ng iba? Eh 'di ba wala? Kung kaya't parang cancer sa utak ang pagiging close-minded. Hindi pisikal na cancer ngunit ang mas mapanganib; ang sikolohikal na cancer.

     Marahil ay marami nang tao ang nakasalamuha ninyong ganito ang takbo ng pag-iisip. Iyong tipong kulang na lamang na ipamukha sa iyo kung gaano ka-mali ang iyong mga pananaw at kung gaano kababaw ang iyong pag-iisip. Naiisip ko rin na baka may nabuo o kaya'y nabubuong superiority complex na rin ang mga taong ito. 

"Ako tama panget, siraulo ka mali ka g*go"


     Sa pagtanggi ng mga bagong ideya at pananaw, maaaring maipit na lamang ang mga taong ito sa kani-kanilang mga mundo. Kailangan pa rin natin silang respetuhin at intindihin kahit na parang wala rin naman silang pakialam sa inyo. Ganyan ang buhay. Ngunit kung sumosobra na ang kanilang mga ginagawa at kung nakakapinsala na sila, kailangan natin silang lapitan at kausapin nang maayos. Ganyan talaga ang buhay.

Para sa mga nakaka-relate o kaya naman ay may mga komento, mag-komento lamang kayo! Salamat sa pagbabasa! :) 


s
     

Sunday, February 13, 2011

Scammer

     Napakalaki na ang nagastos at magagastos ng ating bansa upang makipagsabayan sa ibang mga bansa pagdating sa teknolohiya. Nariyan ang mga kompyuter na pumalit sa mga kopong-writers (typewriters),
mga makabagong teleponong wala nang telephone cord at iba pang mga kagamitan. Siyempre, pagdaan ng mga taon, na-upgrade na naman ang mga ito patungo sa mga laptops, PDA's, blackberry at iTouch at marami pang iba. 

     Makikita nating hindi lamang ang gobyerno't mga Pilipino ang nakikisakay sa alon sa dagat ng makabagong teknolohiya. Pati rin pala mga demonyo ay high tech na. 
Siyempre wala namang taong humihinga ngayon ang nakakaalam ng hitsura ng impiyerno at kung anu-ano ang mga uso doon. Pero kung hitsura ng mga demonyo ang pag-uusapan, marami kang makikita marahil nga (sana huwag naman) makita mo rin sa salamin.

     Dati-rati, manu-mano ang pagnanakaw. Walang pa-easy-easy na paraan, kunsabaga, pabilisin talaga ng kamay. Naiisip ko pa ngang ang mga holdaper naman ay nagsasanay pa sa mga liblib na bundok upang magpraktis ng tamang paghawak ng balisong at facial at voice expressions para masindak ang mga kawawang biktima. Iyong mga snatcher naman, para bumilis ang kamay, nanghuhuli siguro ng lamok at kung next level na ay bangaw. 

     Hindi ko tatalakayin kung paano nga ba nagsasanay ang mga demonyong ito ngunit nais kong ipamukha sa inyo na hindi na kayo ligtas sa oras na binuhay niyo ang inyong mga kompyuter o selepono; iyon nga, high-tech na rin pati mga demonyo. Bwiset.

     Maraming mga nagkalat na mga manlolokong beast demons ngayon dito sa internet. Alias mga "Scammers" sila. Tulad na lamang ng istoryang ito: Macbook Pro Scammer (basahin niyo bilang babala)
Kung hindi niyo nabasa, ayon sa pagkakaintindi ko, ang pamamaraan ng pagscam ay sapamamagitan ng
deposit first before you receive the item.

     Hindi naman sa panghuhusga ngunit, kahit gaano na tayo katagal bumibili online, hindi ba't kailangan pa ring mag-ingat sapagkat marami nang mga nagkalat na demonyo sa internet? Sa Payment method pa lamang ay kadudaduda na, eh yung ipamudmod pa sa mukha ng mga mambibili lahat ng detalye ng 'buhay' niya eh kadudadua na rin.

     Ang tip ko lamang sa mga mamimili online ay kailangang sigurado kayong legal at totoong nagbebenta nga ang taong ito. Marami naman atang paraan para magawa ito pero ako mismo, mas preferred ko ang Cash on Delivery Method o meet-ups. Dapat sa mataong lugar tulad ng mga malls kung saan hindi ka magagantso ng mga demonyong scammers.

     Check the items na rin bago bilhin para 'di rin kayo magantso ng mga demonyo in desguise (mga nagbebenta nga talaga pero bulok naman 'yung mga paninda) at itest niyo muna LAHAT ng dapat niyong itest sa mga produkto.

     Sana'y wala nang mabiktima pang iba ang mga demonyong ito. Nawa'y ang post kong ito'y magsilbing pambukas-mata para sa inyong lahat na hindi lamang teknolohiya ang nag-ebolb,

Nag-ebold na rin sila.

Maraming salamat sa pagbabasa at follow lamang ho!
     

     

Friday, February 11, 2011

Bakit tamad tumawid sa tamang tawiran ang mga Pilipino?

     Hindi niyo ba napapansin na sa araw-araw na buhos ng mga balita, mapa-radyo man o TV, ay hindi mawawala ang mga report ukol sa mga nasagasaan? Para na nga itong isang sangkap na hinding-hindi mawawala sa rekado ng mga balitang puro naman bad news. Katulad nga ng nabanggit ko, karamihan sa mga nasagasaang mga taong ito ay namatay at ang iba pa nga ay nakaladkad ng ng higit sa isang kilometro ang layo. Masakit isipin ngunit laking pasalamat siguro ng mga taong ito na hindi na nila naramdaman pa ang sakit at hapdi ng makaladkad. Ngunit ano nga ba ang dahilan sa mga aksidenteng ito? Sadya bang gustong makasagasa ng mga motoristang ito? Baka naman may game points o pera kada taong masagasaan nila? Marahil may ibang sira ang sasagot ng "Oo!" sa mga katanungan kong ito ngunit ang totoong kadahilanan ng kanilang mapait na sinapit ay ang katigasan ng kanilang mga ulo! Oo! Matigas ang mga ulo ng mga taong ito. Marahil ay nakikita niyo ang mga sign boards na ito na nakakalat sa buong Metro Manila:


Ang laki-laki na nga ng mga letra pero tila sadya atang nabo-bobo ang karamihan sa ating mga kababayan sa tuwing nakakakita sila ng mga sign boards na ganito. Bobo amp. Nakakairita na talaga kasi naman kahit may mga bakal nang nakaharang para walang tumawid, binubutasan pa ng mga mokong para makaraan. Biruin mo iyon? Nagtatanga-tangahan na nga tamad pa! Matalino pa naman sana kasi naisip nilang butasan o kaya'y ipakilo ang mga harang na bakal na ito pero ginamit lang sa katamaran. 

     Matalino at may angking galing naman tayong mga Pinoy. Nariyan sina Charice, Manny Pacquiao at iba pang mga nagpapasikat sa lahing Pinoy ngunit ang mga tamad na tumawid na ito na, pustahan tayo, puri nang puri kina Charice at bili nang bili ng mga "Pinoy Ako" ballers o kung anuman ngunit sila na mismo ang nagiging sanhi ng kahihiyan ng ating bansa! 

     Biruin mo naman, ano ba naman ang maglakad nang kaunti ( kung malayu-layo ang tawiran), umakyat ng mga dalawang dosenang hakbang at tumawid nang maayos? Mamatay ba kayo sa pagod? 
Mamamatay ba kayo sa pag-akyat ng footbridge? Sige, tumawid ka na lang sa kalsada, mabilis pa...

mabilis papuntang langit. Patay kang bata ka.

   Muli, sana ay simulan natin ang pagbabago sa ating mga sarili. Simulan natin sa maliliit na hakbang. 
Hindi naman mabubuo ang isang milyon kung wala kang piso at isang hagdanan kung walang isang hakbang. Hoy Pilipino! Kung talagang gusto mong tawagin kang Pilipino't mabuting mamamayan, tumawid ka sa tamang tawiran. Kung ayaw mo pa rin at matigas ang iyong ulo, sige tumawid ka lang sa kalye at wala kang karapatang tawaging bobo't corrupt ang ating gobyerno sapagkat ikaw mismo ang corrupt. Sana hindi ka masagasaan at mabasa mo pa itong post kong ito. 

Maraming salamat ho sa pagbabasa ng kauna-unahan kong blog topic post sa blog kong ito.
Follow lang ho at magfo-follow din ho ako sa inyo :) 
Tandaan, tumawid ka sa tamang tawiran! 


Proud to be Pinoy? 

Thursday, February 10, 2011

Personal entry ni Juan

Grabe napakaraming oras na ang nasasayang ko dito sa internet! Alas otso na eh wala pa akong nagagawang trabaho. Hay naku, hari ng sablay talaga oo! Ayoko ng procastination! Tapos mapupuyat na naman ako sa late na pag-aaral. Gusto ko na wakasan ang siklo na ito. Sisimulan ko na ngayon!

Tuesday, February 8, 2011

Sana

Grabe ang hirap pala maging baguhan sa blog at vlog! Hindi mo alam kung sino bumabasa ok ung mayroon man. Grabe! Paminsan nakakatamad pero kailangan ko itong gawin upang maikasatuparan ang aking mga planong pagtulong sa iba. Kailangan ako ang magsimula ng pagbabago at SANA pagdating ng panahon, kapag may bumabasa na ng post kong ito, ay malayo na ang narating ng aking blog at ang adhikain nito. Tulungan niyo ako sa pamamagitan ng pagsuporta sa akin! Maraming salamat! 

Sunday, February 6, 2011

Ang pagtatanim ng binhi.

Ayan makaka-blog na rin ako! Sa wakas! Nabuo ko na rin ang hopyamanipopcorn.blogspot ko!
At kung binabasa mo ito at wala kang kamalay-malay kung ano ang hopyamanipopcorn,
pumunta ka lang sa hopyamanipopcorn vlog ko sa Youtube!
Grabe, kanina ko lang ginawa itong blog na ito pati na rin iyang Youtube account na iyan at kahit maagapa, napakarami ko nang gustong maabot sa pamamagitan ng mga ito!
Unang-una, hindi ko hangad ang sumikat sa internet, sa katotohanan nga ay itinatago ko ang aking pagkakakilanlan ( pumunta lang kayo sa Youtube link ko) sapagkat iba ang hangarin ko sa paggawa ng mga ito.

Simple lang naman ang gusto kong makamit. Ang matulungan ang mga kapatid nating may problema at pasiyahin ang mga taong ito!
Gusto ko ring mailabas ang aking mga saloobin ukol sa mga isyu na pumapalibot sa buhay ng tao.
Seryoso, kahit papaano ay mayroon din akong alam sa mga bagay-bagay :))

Kung binabasa mo ngayon ang blog na ito, MARAMING SALAMAT
AT PAKIUSAP PAKIUSAP PAKIUSAP,
Subscribe ho kayo sa Youtube channel ko at tiyak, may mapupulot kayong mga pambusog ng isipan.

PS: Sana ikalat niyo ang post na ito sa iba niyong mga kaibigan. Wala namang mawawala sa inyo, mga 5 minuto lang naman kada video (estimate) :)
Salamat ulit! :D