ika-13 na ng Pebrero ngayon.
Bukas ay 14 na.
Araw ng mga puso.
Kasama kita pero nagugulo na ang utak at puso ko.
Naiiyak ako ngayon.
Sobra.
Peksman.
Papalapit na ang araw ng pagtatapos.
Pati pagsasama natin ay matatapos.
Paminsan gusto kong wag nang mag-umaga.
Tumigil ang oras.
Kakayanin mo naman.
Alam ko yun.
Pero iiyak din tayo.
Iiyak hanggang kinabukasan.
Para sa kinabukasan.
Mahal kita.
Peksman.