Friday, February 18, 2011

Ano nga ba ang Matematika?

Higit kumulang labing-dalawang taon na rin pala akong nag-aaral sa paaralan. Kahit matagal na'y bumabalik pa rin ang mga alaala ng kahapon. Mga alaalang naghahatid ng tuwa't pagka-'miss' sa lahat ng aking mga kagaguhan sa eskuwela at higit sa lahat, hindi mawawala o nawawala ang mga mapapait kong ala-ala sa aking pag-aaral. 

Numero uno na rito ang Matematika. Bobo ako sa Math. Period. Hindi ko naman ibinababa ang aking sarili ngunit sa tingin ko, ito ang katotohanan. Bobo ako sa Math.
Yung tipong kapag nag-lecture na ang guro namin at nagsulat na ng kung anu-anong equations, formula ek-ek sa pisara ay wala akong nakikita kung hindi puro numero. Natural kapag nagtanong naman ako sa kung sinuman ay ipapaliwanag nila na dapat pala reciprocal ang square root ng blah, blah, pero wala naman talaga akong naiintindihan! Naaawa ako sa mga taong ito sapagkat nasasayang lang ang hangin nila sa kakapaliwanag sa isang batang mabagal umintindi ng mga numero. 

Naalala ko pa nga na noong bata pa ako'y nanaginip akong hinahabol ako ng mga numerong may malalaking **** (private part) at nais nila akong 'anakan' nang walang malinaw o lohikal na rason. 
Napaka-bobo naman ng panaginit nito at ang nakaka-distorbo pa rito ay mga sampung taong gulang pa lamang ako nang mapaniginipan ko itong tangkang kahalayan sa akin ng Matematika.

Balik tayo sa kuwento, bobo ako sa Math. Period. Sadyang kapag pinuno mo ang blackboard ng mga formulas at equations, ang tingin ko sa kanila'y mga sulat ng chalk na may korteng '1' o kaya'y '99' at hindi ko alam kung bakit mga 'drawings and letterings' lamang sila sa pananaw ko. Sadyang iba ang repertoire o pag-intindi ko sa Matematika, hindi 'pagbibilang ng 1 to 100' ang approach ko kung hindi iniintindi ko kung bakit numero ang numerong '1' at kung sino nga ba ang nagtakda na 'one' ang spelling at tawag dito. Sadyang may sayad ako sa utak. Pramis. Paminsan nga kinakausap ko ang sari...

Bumalik tayo sa kuwento.

Alam niyo, hindi ko naman talaga binababa ang aking sarili kapag sinasabi kong 'bobo' ako sa math.
Sapagkat, ito naman talaga ang tingin ng ibang tao sa mga hindi magaling sa Matematika. 
Tayo, ang mga tao sa mundong ibabaw, ang nagtatakda na 

" Heto ang numero '1'. Susunod siya sa '0'".

Gamit ang mga nasabi ko nang detalye, ang matematika ay likha lamang ng tao upang may atupagin tayo at palabasing umuunlad nga ang sibilisasyong homo sapiens. 
Natural, ang tao na rin ang nagtakda na kung 'di ka magaling sa isang bagay ay 'bobo' ka rito. 
Simple lamang. 
Ang hirap isiksik sa blog ko ang utak ko. 
So, kung ang itinakda pala ng tao na ang lahat ng hindi magagaling sa Matematika 
ay mga 'dakilang henyo', matatawag mo pa kaya akong 'bobo' sa ngayon? 
Status Quo lang 'yan pre.
Sinimulan ng isa, papasikatin ng pangalawa, gagayahin ng milyon-milyon na tipong ito na ang tama sapagkat milyon silang naniniwala rito pero sa katotohanan, sinimulan lamang ito ng isa, pinasikat ng pangalawa at ginaya ng milyon upang masabing ito ang 'uso', and hindi sumunod dito ay tatawaging 'jologs'

Para sa akin, ganito rin sa Matematika.
So, bobo nga ba ako?
O kaya'y sila lamang ang nagsabing 'bobo' ako?
Simple, iba ang pagkakaintindi ko sa Matematika kung kaya't 
hindi ako matatawag na 'bobo' sa asignaturang ito.
Matatawag mo lamang akong bobo kung hindi ko
man lang nakitang mga ''drawings and letterings'' ang mga numerong ito
at kung wala kang nababasa ngayon na post patungkol sa pag-intindi ko sa Matematika.

Ikaw,
Para sa iyo, ano ang Matematika?



Ihain na natin ang tanong sa blog kong ito, ano nga ba ang Matematika para sa iyo?

5 comments:

  1. Nakaka-relate ako sa post na'to, tipong nagsa-shutdown ang utak ko pag nakakakita na ako ng mga numero simula bata pa ako. Di siguro na-develop masyado yung left side ng brain ko, which they say is for thinking, analysis, and accuracy. Or maybe wala akong naging math teacher na maganda na maari sanang nagsilbing inspirasyon para magustuhan ko ang math. Pero habang tumatanda ka pala, unti-unting nagkakaroon ka na ng interes sa mga numero, katulad ng 36-24-36, na pagsasabihan mo ng 14344, yung araw ng sweldo na 15 at 30, at mga manipis na papel na may numerong 20, 50, 100, 200, 500 at 1000. At dun mo mare-realize na sa buhay mahalaga rin pala ang matematika.

    ReplyDelete
  2. Pareho pala tayong hindi mahilig sa math. Kahit anong subject ituro mo na sa akin, wag lang math. Complicated na nga ang buhay dadagdadan pa ng math!

    Pero alam mo nung nag college ako bigla kong nagustuhan ang math. Hindi ko alam kung ganito din magiging pananaw mo ngunit nabago ng algebra teacher ko ang pananaw ko sa math. :) Sa isang sem sa kanya ay naintindihan ko bigla ang mga lesson sa math na ilang taon kong pilit iniintindi nung high school.

    Btw, natawa naman ako sa post mo jedi_randy! Pero tama ka nga lalo na sa 15 at 30, hehe :D

    ReplyDelete
  3. Maraming salamat ate Karla at kuya Randy! :)
    Grabe, alam niyo bang natala ko lang ito post na ito kasi
    feeling ko bumagsak ako sa long test ko sa math noong nakaraang araw.
    4th year pa kasi ako sa Highschool, igagapang ko lang itong Math
    tapos malaya na ako! :D Bwahaha!

    ReplyDelete
  4. ang hirap nga ng math. iniiyakan ko na nga minsan. wala talagang mapiga sa utak ko. :) nakakarelate din ako. . .

    ReplyDelete
  5. Math? Actually favorite ko ang Math. Hindi sa pagmamayabang, pero magaling ako sa Math. Yun nga lang at walang ginawa si God ng perfect, kaya medyo mahina ako sa English. :/ Hahaha. Tama ka jan, ang Math ay parang letterings at drawings. Try mong titigan at i-analyze at magegets mo sya. Pramis. Hehehe.

    Plug ko lang po pala blog ko.
    http://www.themysteriousschizo.blogspot.com/

    Baguhan lang po ako sa pagba-blog. Hoping na support nyo po ako. Thanks. :>

    ReplyDelete