Friday, February 11, 2011

Bakit tamad tumawid sa tamang tawiran ang mga Pilipino?

     Hindi niyo ba napapansin na sa araw-araw na buhos ng mga balita, mapa-radyo man o TV, ay hindi mawawala ang mga report ukol sa mga nasagasaan? Para na nga itong isang sangkap na hinding-hindi mawawala sa rekado ng mga balitang puro naman bad news. Katulad nga ng nabanggit ko, karamihan sa mga nasagasaang mga taong ito ay namatay at ang iba pa nga ay nakaladkad ng ng higit sa isang kilometro ang layo. Masakit isipin ngunit laking pasalamat siguro ng mga taong ito na hindi na nila naramdaman pa ang sakit at hapdi ng makaladkad. Ngunit ano nga ba ang dahilan sa mga aksidenteng ito? Sadya bang gustong makasagasa ng mga motoristang ito? Baka naman may game points o pera kada taong masagasaan nila? Marahil may ibang sira ang sasagot ng "Oo!" sa mga katanungan kong ito ngunit ang totoong kadahilanan ng kanilang mapait na sinapit ay ang katigasan ng kanilang mga ulo! Oo! Matigas ang mga ulo ng mga taong ito. Marahil ay nakikita niyo ang mga sign boards na ito na nakakalat sa buong Metro Manila:


Ang laki-laki na nga ng mga letra pero tila sadya atang nabo-bobo ang karamihan sa ating mga kababayan sa tuwing nakakakita sila ng mga sign boards na ganito. Bobo amp. Nakakairita na talaga kasi naman kahit may mga bakal nang nakaharang para walang tumawid, binubutasan pa ng mga mokong para makaraan. Biruin mo iyon? Nagtatanga-tangahan na nga tamad pa! Matalino pa naman sana kasi naisip nilang butasan o kaya'y ipakilo ang mga harang na bakal na ito pero ginamit lang sa katamaran. 

     Matalino at may angking galing naman tayong mga Pinoy. Nariyan sina Charice, Manny Pacquiao at iba pang mga nagpapasikat sa lahing Pinoy ngunit ang mga tamad na tumawid na ito na, pustahan tayo, puri nang puri kina Charice at bili nang bili ng mga "Pinoy Ako" ballers o kung anuman ngunit sila na mismo ang nagiging sanhi ng kahihiyan ng ating bansa! 

     Biruin mo naman, ano ba naman ang maglakad nang kaunti ( kung malayu-layo ang tawiran), umakyat ng mga dalawang dosenang hakbang at tumawid nang maayos? Mamatay ba kayo sa pagod? 
Mamamatay ba kayo sa pag-akyat ng footbridge? Sige, tumawid ka na lang sa kalsada, mabilis pa...

mabilis papuntang langit. Patay kang bata ka.

   Muli, sana ay simulan natin ang pagbabago sa ating mga sarili. Simulan natin sa maliliit na hakbang. 
Hindi naman mabubuo ang isang milyon kung wala kang piso at isang hagdanan kung walang isang hakbang. Hoy Pilipino! Kung talagang gusto mong tawagin kang Pilipino't mabuting mamamayan, tumawid ka sa tamang tawiran. Kung ayaw mo pa rin at matigas ang iyong ulo, sige tumawid ka lang sa kalye at wala kang karapatang tawaging bobo't corrupt ang ating gobyerno sapagkat ikaw mismo ang corrupt. Sana hindi ka masagasaan at mabasa mo pa itong post kong ito. 

Maraming salamat ho sa pagbabasa ng kauna-unahan kong blog topic post sa blog kong ito.
Follow lang ho at magfo-follow din ho ako sa inyo :) 
Tandaan, tumawid ka sa tamang tawiran! 


Proud to be Pinoy? 

2 comments:

  1. Di naman tamad tumawid ang mga Pilipino, ang lalakas nga ng loob tumawid kesehodang mabibilis ang takbo ng mga sasakyan sa highway, at tama ka, tumatalon/lumulusot pa nga minsan sa mga barrier/bakod na pangharang. May katigasan nga lang talaga ang ulo ng ilang mga kababayan natin na tumawid sa TAMANG TAWIRAN

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat ho sa komento! :)
    Tama ho na hindi nga tamad tumawi. Actually, masisipag nga eh!
    Biruin mo kahit saan, mapa eskinita o kaya'y Commonwealth ay 'di patatawarin? Masipag ang Pinoy! :))

    ReplyDelete